Fetus natagpuan sa basurahan

Manila, Philippines -  Pinalilibutan na at ina­amoy ng dalawang asong gala ang isang fetus na itinapon ng kanyang walang pusong ina sa isang basurahan sa Pasig City, kahapon ng umaga. Isang basurero ang nakakita sa fetus na muntik na malapa ng mga asong gala sa tabi ng Pasig Public Cemetery ganap na alas-5:00 ng umaga. Nasa anim hanggang sa pitong buwan na ang lala­king fetus na inilagay sa isang plastic bag at tinakpan ng diaper ang mukha.

Show comments