Turista pinalaklak ng ativan

MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa P50,000 cash mula sa automated teller machine (ATM)  ang nalimas sa 24-anyos na turistang Czech national matapos palaklakin ng Ativan ng limang kababaihan sa Ermita, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Sa reklamong inihain kay PO3 Gibert Isole ng  Manila Police District-General Assignment Section (MPD-GAS) ng biktimang si Pavel Dudek, lumilitaw na nakipagkaibigan sa kanya ang limang kababaihan matapos siyang lumabas sa tinutuluyang Friendly Guest House sa  Ermita, Maynila.

Nabatid na niyaya ng mga suspek ang biktima na kumain sa bahay ng isa sa mga suspek na sinasabing miyembro ng Ativan Gang.

Dito na nahilo ang biktima matapos uminom ng tubig hanggang sa mawala na ang kanyang ATM-Visa card at maging ang nilalamang malaking halaga.

Show comments