Sekyu patay sa Russian roulette

MANILA, Philippines - Isang 24-anyos na security guard ang iniulat na nasawi matapos mabaril ang sarili sa Russian roulette sa labas ng convenience store  sa Quezon City kahapon ng umaga.

Kinilala ni  P/Supt.Virgilio Fabian, hepe ng Fairview Police Station 5 ang biktimang si Joel Tumanan ng  San Isidro, Tala, Caloocan City.

Ayon sa pulisya, bandang alas-5:30 ng umag­a nang marinig na lamang ng manager ng Mini Stop convenience store na si Angie Tarte ang putok  ng  baril sa labas ng  naturang tindahan.

Pinaniniwalaang naglaro ng Russian roulette ang biktima na tumama sa kanang leeg ang bala kaya nakasalubong si kamatayan.  

Show comments