Maynilad sa Malabon, nabulabog sa 'bomb threat'

Manila, Philippines - Nabulabog ang mga empleyado ng isang sangay ng Maynilad matapos makatanggap na sasabog ang nasabing opisina sa Malabon City kahapon ng umaga.

Sa report ng Malabon City Police, dakong alas-8:45 ng umaga nang may mag-text sa empleyadong si Rolando de Ausen mula sa isang hindi nagpakilalang texter na ang naka­saad sa mensahe ay “Maynilad Bldg. Will Explode Today, Mag-ingat”.

Dahilan ito upang kaagad na ireport ng naturang kawani ang insidente. Agad na nirespondehan ng mga pulis at sinuyod ang lahat ng palapag ng gusali sa MacArthur Highway, Brgy. Potrero ng nabanggit na lungsod, subalit walang nakitang bomba na naging dahilan para magbalikan sa trabaho ang mga empleyado.

Show comments