Manila, Philippines - Dulot ng paglalaan ng Department of Education ng halagang P340 milyon para sa school building program sa Quezon City ngayong taon, nais ng pamahalaang lungsod na ang maipatayo lamang na mga gusali ay pawang environmentally-sustainable.
Ito ang naging resulta sa pulong na pinangasiwaan ni QC Vice Mayor Joy Belmonte sa pagitan ni city schools superintendent Corazon Rubio na siyang makikipag-ugnayan sa DepEd upang matiyak na ang lahat ng paaralan na itatayo ng ahensiya ay tatalima sa green building standards ng lungsod.
“We have to make sure that DepEd will comply with the city’s rules and policies with regards to use of green building technologies,” pahayag ni Belmonte.
Sa pamamagitan anya ng ipinatutupad na ‘adopt green’ building sa QC, malaki ang naibibigay nitong tulong para maprotektahan ang ecosystem at mabawasan ang impact ng climate change sa mga tao at kapaligiran.