Lola lasog sa bus

Manila, Philippines -  Wasak ang mukha at lasog ang katawan ng isang 65-anyos na sampaguita vendor nang masagasaan ng isang provincial bus sa Sampaloc, Maynila, kahapon ng hapon.

Dead-on-the-spot matapos magulungan at pumailalim pa ang katawan sa Raymond Bus ng biktimang kinilalang si Pacita Romero o Lola Mameng, residente rin ng Sampaloc.

Nasa kustodiya na ng Manila Police District-Traffic Enforcement Unit ang sumukong driver na ki­nilalang si Alfonzo Sullestre­ Jr., ng Raymond Bus Transport.

Sa inisyal na ulat, tumatawid umano ang biktima habang bitbit ang inilalakong sam­paguita nang masagasaan ng rumaragasang bus dakong ala-1:45 ng hapon sa may panulukan ng Legarda at H. Lacson St. sa Sampaloc.

Pabalik na umano ang bus sa terminal nito na matatagpuan sa Sta. Teresita­, Sampaloc nang maganap ang pagka­sagasa.

Show comments