Ginang na nagsesaryan sa sarili, midwife!

Manila, Philippines -  Isang midwife pala sa probinsya ang 28-anyos­ na ginang na nagsesar­yan sa kanyang sarili noong nakalipas na Miyerkules sa Sta. Mesa, Maynila.

Ayon kay Dr. Mario Lato, director ng Sta. Ana Hospital, ang ginang na itinago sa panga­lang Janice, tubong-Isabela, Ilocos ay sinasabing isang midwife at nagpapaanak sa pa­mamagitan lamang ng normal delivery­ sa kanilang probinsya.

Sa kasalukuyan, nasa maayos nang kon­disyon matapos isailalim sa operasyon si Janice­ na magugunitang na­tagpuang duguan makaraang biyakin ang sari­ling tiyan at kunin ang sanggol sa kanyang sinapupunan gamit ang kitchen knife. Nagawa pa nitong tahian ang halos kalahati ng hiwa gamit ang ordinaryong sinulid at karayom.

Sinabi pa ni Dr.   Lato, na idadaan pa rin sa psychiatric test ang ginang dahil hindi umano normal ang isip nito na kanilang ino­obserbahan sa kasalukuyan.

Nabatid naman kay Dr. Marlon Millares­, director ng Ospital ng Sampaloc, ang unang  nagbigay ng emergency treatment kay Janice, na babae ang inilu­wal nitong sanggol na patay na nang dalhin sa kanilang pagamutan.

Ayon pa kay Dr. Lato, nagawang buksan ni Janice ang kaniyang tiyan dahil nagsaksak din umano ito ng local anesthesia (sa parte lamang na apektado o bubuksan).

Ang ginang umano ay may dalawang taon nang hindi nakikisama sa mister na noon umano ay nagtungo sa abroad.

Show comments