3 holdaper bulagta sa shootout

MANILA, Philippines - Muli na namang naka-iskor ang hanay ng Quezon City Police District (QCPD) la

ban sa mga kriminal ma­karaang tatlong holdaper ang nasawi matapos na makipagpalitan ng putok sa ope­ratiba ilang minuto makaraang holdapin ang isang on-line casino sa lungsod, kahapon ng madaling-araw.

Ayon kay Chief Insp. Ro­­delio Marcelo, hepe ng Criminal Investigation Divi­sion ng QCPD, isa pa la­­mang sa tatlong nasawi ang naki­­lala na si Ramie Salopisa, 34; habang ang dalawa naman na walang pagkakakilan­lan ay isinala­rawan sa edad na 23-25; payat; may tattoo na “dragon” sa likod at nakasuot ng itim na chec­kered short pants at itim na t-shirt na may tatak na “Boss Ba­lita” habang ang isa ay may taas na 5’5, ba­lingkinitan ang pangangatawan, nakasuot ng asul na t-shirt at camouflage short at bullcap.

Sinabi ni Marcelo, dead on the spot sa lugar ang tatlo habang nakatakas naman ang dalawa pang mga kasamahan nito.

Narekober sa mga suspect ang dalawang kalibre .45 baril at 1 kalibre 38 revolver; pitong piraso ng basyo ng kalibre 9mm, walong piraso ng basyo ng kalibre .45, tatlong depormadong bala; at isang Toyota Revo na walang plaka.

Narekober din ang ilang mga kagamitan ng mga kawani at kostumer sa hinoldap nilang on-line casino tulad ng cellphone at pera.

Nangyari ang insidente sa loob ng E-games na ma­tatagpuan sa 3rd Floor ng Pascual Bldg. Quirino Highway, Brgy. Gulod ganap na alas-2 ng madaling-araw nang biglang pumasok ang mga suspects na armado ng baril at nagdeklara ng holdap.

Nilimas ang kaha at ma­ging ang mga gamit ng mga kostumer, bago tuluyang nagsitakas sakay ng kanilang get away car na Toyota Revo.

Agad namang humi­ngi ng responde sa pulisya ang mga tauhan sa esta­b­li­simento kung saan naka­sagupa ng mga awtoridad ang mga suspect sa kaha­baan ng Samonte Road, Brgy. Nagkaisang Nayon, Novaliches.

Nang tangkaing pahintuin ng awtoridad ang mga suspect, nagsipagbabaan ang mga ito mula sa sasak­yan saka pinaputukan umano ang tropa ng una.

Sa puntong ito, gumanti ng putok ang mga opera­tiba at makalipas ang ilang minutong palitan ng putok ay nakitang duguang nakabulagta ang tatlo sa mga ito, habang nakatakas naman ang dalawa pa nilang kasamahan.

Show comments