Resolusyon na gawing capital ng Pilipinas ang QC, aprubado ng konseho

MANILA, Philippines - Naipasa na ng Quezon City Council ang isang resolusyon na humi­hiling sa Kongreso na pag-aralan at magpatupad ng isang batas upang ma­ideklara ang lungsod bilang capital ng Pilipinas.

Nakasaad sa re­solusyon na marapat lamang na ang QC ang gawing capital ng Pilipinas dahil ito ang pinakamalaki sa Metro Manila o National Ca­pital Region at kilala bilang pinaka-mayamang lungsod sa bansa. Ang lungsod din umano ay naipangalan sa dating Pangulong Manuel L. Quezon.

Bukod din na ang QC ay dati nang capital ng Pilipinas, sa lungsod din matatagpuan ang mga pambansang tanggapan ng pamahalaan tulad ng Batasang Pambansa Complex na kinaroronan ng mga mambabatas sa mababang kapulungan ng Kongreso, malala­king unibersidad tulad ng Ateneo de Manila Univer­sity at University of the Philippines.

Nasa QC din ang mga tanggapan ng pama­halaan tulad ng DAR, DA, DENR, LTO, BIR,NSO, MWSS, PNPRI­, SSS, NPO, NAPOCOR, PDEA, NIA at iba pa, mga panguna­hing broadcasting networks at mga ospital tulad ng Heart Center, Kidney Center at Lung Center.  

Show comments