Manila, Philippines - Posibleng may atraso ang isang kargador ng gulay sa palengke na tinarakan sa dibdib na ikinasawi nito sa Divisoria market sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.
Kinilala lamang ang biktima sa alyas na “ Anton”, nasa 30-35 ang edad. Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng suspect na mabilis na naglaho matapos ang pananaksak.
Dakong alas-7:00 ng gabi kamakalawa nang maganap ang krimen sa loob ng isang makeshift carinderia sa parking lot ng Carmen Planas malapit sa panulukan ng Padre Herrera Sts., sa Divisoria sakop ng Tondo.
Nabatid na sinundan umano ng suspect ang biktima sa loob ng karinderya at doon ito inundayan ng saksak sa dibdib bago naglakad lamang papalayo sa lugar.