Researcher, consultant na sumusuweldo pinalalantad

MANILA, Philippines - Pinalalantad ni Manila Mayor Alfredo Lim ang mga researchers, consultants at casual employees na kumukubra ng sweldo.

Ang hamon ay ginawa ni Lim kay Vice Mayor Isko Moreno at mga konsehal na kaalyado nito, dahil sa umano’y mga gimik na pina­puputok ng huli upang iba­ling ang atensiyon ng tao palayo sa isyu ng pagnanakaw uma­no sa kaban ng bayan.

Ayon kay Lim, kapuna-punang hanggang ngayon ay hindi inilalabas ni Moreno, sampu ng kanyang mga konsehal ang mga nasabing empleyado na kahit kailan ay hindi lumutang sa paymaster o cashier upang personal na kumuha ng sahod, magpakita ng ID at pumirma na natanggap na nga nila ang kanilang suweldo.

“Sa lahat ng tanggapan, pribado man o gobyerno, ito ay normal na kalakaran.  Bukod-tanging sa tanggapan ng vice mayor at mga konsehal na kinukuha ng tanggapan ang suweldo at payroll at pagkatapos ay sila ang nagpapamudmod ng suweldo at nagpapapirma daw,” ani Lim.

Samantala ay pinagta­ wanan ni Lim ang pagpapa-blotter nina Moreno laban sa kanya.

Mismong si Manila Police District Director Chief Supt.? Alex Gutierrez ay nanindigan na naroon siya nang gawin ni Lim ang pahayag at wala siyang nakitang krimen o pagbabanta sa mga tinuran ng alkalde.

Ang kanyang pahayag ay pagkasorpresa lamang umano kung gaano kaarogante at mapagmalaki si Mo­reno at mga konsehal sa pagpapakalat ng? kasinunga­lingan sa kanyang administrasyon.     

Ito ay sa harap ng pa­tuloy nilang pagtanggi na mag­­pa­liwanag kung bakit? hindi nila maiharap ng personal ang kanilang mga con­­ sul­­tants,? researchers at casuals na empleyado sa cashier’s office para kumuha ng? kanilang suweldo o kaya ay magsumite ng kanilang personal data sheets. 

Iginiit ni Lim na ang gi­na­wa ni Moreno at kanyang mga konsehal ay isa ?lamang “publicity stunt” sa pamamagitan niya.

Show comments