42-anyos mister pinabulagta

Manila, Philippines -  Napatay ang 42-anyos na mister makaraang ratratin ng hindi pa kilalang lalaki malapit sa kanilang tahanan sa Brgy. Central Bicutan sa Taguig City kahapon ng umaga­. Idineklarang patay sa Parañaque City Medical Center ang biktimang si Melvic Lanaria ng Block 22, Lot 47, Sunflower St. sa nabanggit na lungsod. Sa imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na nakatayo ang biktima may ilang metro lamang ang layo sa kanilang bahay nang lapitan at pagbabarilin ng di-kilalang lalaki. May teorya ang pulisya na may nakaalitan sa kanilang barangay ang biktima kaya niresbakan.

Show comments