Ginang nakuryente sa electric fan, patay

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang ginang matapos itong makuryente kahapon ng umaga sa loob ng kanilang bahay sa Malabon City. Dakong alas-9 ng umaga ng maganap ang insidente ng sikapin ng biktima na nakilalang si Helen Entes, ng Bagong Silang, Sitio Catmon ng nasabing lungsod na bunutin ang umuusok nilang electric fan.

Nabatid na galing sa pag-iigib ng tubig ang ginang at basa ang mga kamay ng bunutin sa saksakan ang electric fan dahilan upang ito ay makuryente at mamatay.  

Show comments