MANILA, Philippines - Mistulang baboy na kinatay ang isang lolong hog dealer nang nakatalo nitong matansero sa labas ng isang slaughter house sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw.
Dead-on-arrival sa Pagamutan Lungsod ng Malabon sanhi ng mga saksak sa katawan ang biktimang si Ciriaco Herrera, 61, ng Kabulusan ng lungsod.
Pinaghahanap naman ang suspek na si Ranulfo Capintog, 42, ng Lapu-Lapu Avenue ng nabanggit na lungsod.
Naganap ang insidente dakong alas-12:55 ng madaling araw sa isang slaughter house na matatagpuan sa Lapu-Lapu Avenue ng nabanggit na lungsod.
Nabatid na nagtatalo ang biktima at ang suspek, dito ay lumabas si Capintog upang umiwas subalit sinundan ito ni Herrera. Dahil dito ay nagalit ang suspek at sabay na hugot ng patalim at mistulang parang baboy na kinatay ang biktima.