Seaman dinedo sa harap ng misis, anak

MANILA, Philippines - Utas ang isang seaman na miyembro rin ng Barangay Peace Action Team nang pagbabarilin ng kanyang kalugar habang ang una ay nasa loob ng kanilang karinderya kasama ang pamilya sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Dead-on-the-spot sanhi ng mga tama ng bala sa ulo at katawan ang biktima si si Tommy Sta. Maria, 51, ng Champaca St., Maligaya ng nabanggit na lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na si Amad Arajil, at kalugar ng biktima.

 Sa inisyal na ulat ng Caloocan City Police, dakong alas-8:30 ng gabi, naganap ang insidente sa loob ng Sta. Maria Eatery na pag-aari ng biktima sa nasabing lugar.

Nabatid na kasama ng biktima ang kanyang misis at anak na dalaga nang biglang pumasok ang suspek at binaril ito sa ulo.

 Tinangka pang umawat ng anak na dalaga ng biktima, subalit tinutukan ito ng baril ng suspek at bago tumakas ay muling pinutukan ng dalawang beses sa katawan si Sta. Maria na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Blangko pa ang pulisya sa motibo sa isinagawang krimen.

Show comments