Pulis na naman kalaboso sa pambubugbog ng sekyu

MANILA, Philippines - Himas rehas ngayon ang isang pulis makaraang ireklamo ng pambubugbog ng isang security guard ng bar sa lungsod Quezon kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang pulis na si PO2 Leonardo Sumbrito, 36, nakatalaga sa Holding Admi­nistration office sa Camp Crame.

Siya ay inaresto makaraang ireklamo ng pananakit ng security guard na si George Quinto, 34, stay-in sa Padis Point sa Cubao.

Nag-ugat ang insidente nang magpunta ang pulis sa Padis Point na matatagpuan sa Araneta Center, Cubao ganap na alas-3 ng madaling-araw.

Sinasabing lasing at nakasuot ang suspect ng sando at short pants saka naka­tsinelas na mahigpit na ipinagbabawal sa mga kustomer sa bar kung kaya pinigilan ito ng biktima na pumasok.

Dito na nagkaroon ng mainitang argu­mento hanggang sa bigla umanong upakan ng suntok sa mukha ng pulis si Quinto at pinagbubugbog.

Agad namang naka­responde ang mga pulis kung saan inaresto ang kanilang kabaro.

Show comments