Warrant of arrest ni Annabelle Rama, iniatras na ng QC court

MANILA, Philippines - Iniatras na ng Quezon City court ang warrant of arrest laban sa talent manager na si Annabelle Rama.

Ang mandamiento de aresto ay inisyu ni QC-RTC Judge Branch 92 Eleuterio Bathan noong Hunyo 11 nang hindi makadalo sa kanyang arraignment si Rama para sa kasong 14 counts ng libel na isinampa laban dito ni Nadia Montenegro.

Nagpalabas na si Judge Bathan ng dalawang pahinang kautusan para sa pagbawi ng warrant of arrest kay Rama matapos na boluntaryo itong sumuko at humarap sa korte kahapon ng umaga.

Pinayuhan naman ni Judge Bathan si Rama na huwag balewalain ang mga utos ng korte laluna para sa arraignment nito.

Ayon kay Bathan, madali namang ipagbigay-alam ni Rama sa korte kung hindi ito makakadalo sa pagbasa ng sakdal. Itinakda ni Judge Bathan ang arraignment ng talent manager sa Hunyo 25 ng umaga.  

Show comments