Dalagita ni-rape na, pinatay pa

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang ginahasa muna bago pinatay sa sakal ang isang 16-anyos na dalagita ng hindi pa kilalang suspek kahapon sa Caloocan City.

Nakilala ang biktima na si Clarisse Boyles, nakatira sa Mountain Heights Subd., ng nabanggit na lungsod.

Sa inisyal na report ng Caloocan City Police, dakong alas-5:00 ng umaga nang magtapuan ang bangkay ng biktima ng residenteng si Rolando Ariesga sa isang bakanteng lote malapit sa bahay nito sa naturang lugar.

Kaagad niya itong ipinagbigay-alam sa pulisya.

Walang saplot pang-ibaba ang biktima at may palatandaan na hinalay ito bago pinatay sa sakal.

Huling nakitang buhay ang biktima dakong alas-5:00 ng hapon noong Linggo, Hunyo 10 sa loob ng kanilang bahay.

Show comments