2 'tulak' arestado

MANILA, Philippines - Arestado ang dalawang ‘tulak’ ng droga na ang isa ay nagtago pa sa loob ng aparador sa isang raid na isinagawa kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Sa operasyong isinagawa ng National Bureau of Inves­tigation (NBI), kinilala ang mga nadakip na suspect na sina Reynaldo Marquez at Ryan Pineda, ng Tengco St., ng na­banggit na lungsod.

Ayon sa report ng NBI Counter Intelligence Division, nakarating sa kanilang tanggapan ang mga reklamo laban sa mga suspek na sangkot umano sa pagtu­tulak ng shabu dahilan upang magsagawa ng surveillance operation laban sa mga ito at nang makumpirma ay isina­gawa ang operas­yon sa bisa search warrant.

Nabatid na unang na­aresto si Marquez nang ma­ka­bili ng droga ang nagpanggap na poseur-buyer ng NBI.

Tiyempo ring nasa lugar si Pineda na noon ay nagtago pa sa loob ng aparador ngunit nahuli rin ng operatiba.

Nakumpiska sa loob ng bahay ng mga suspek ang 13 sachet ng shabu at marijuana.  

Show comments