Nagmasaker sa mag-ina sa Caloocan, timbog

MANILA, Philippines - Arestado na ng pulisya ang dalawang suspek na nanloob at pumatay sa mag-ina noong nakalipas na Mayo 12 ng taong kasalukuyan sa Caloocan City.

Nakilala ang mga suspek na sina Mark Padua, 38; at Randy Daya, 33, kapwa residente ng Palmera Spring 2, Brgy. 173, Camarin ng na­banggit na siyudad.

Base sa rekord ng Ca­loocan City Police, mata­tandaan na noong Mayo 12, 2012, dakong alas-8:00 ng umaga ay natagpuan ang mag-inang biktima na sina Faith Jaena, 50; at Tessa, 15, na tadtad ng saksak at wala nang buhay mismo sa loob ng kanilang bahay sa Lot 4, Palmera Spring 2, Brgy. 173 ng nabanggit na lugar.

Lumalabas sa isinagawang imbestigasyon ng mga pulis  na nilooban ng mga suspek ang bahay ng mag-ina at tinangay ang isang laptop, dalawang cellular phones, mga alahas at hindi mabatid na halaga ng cash.

Matapos ang mahigit isang linggong manhunt ope­ration na isinagawa ng pulisya ay naaresto ang mga suspek sa Camarin dakong alas-5:00 ng umaga kamaka­lawa matapos itong ituro ng lumutang na testigo na si Joel Mercado, kapit­bahay ng mag-ina na siyang nakakita kina Padua at Daya na umi­inom sa terrace ng bahay ng mag-ina matapos isagawa ang krimen.

Show comments