Tanod umawat sa away, patay

MANILA, Philippines – Patay ang isang barangay tanod nang pagbabarilin ng isang hindi pa nakilalang lalaki nang tangkaing awatin ang kanyang tiyuhin na ka­away ng suspect, kama­kalawa ng gabi sa Pasay City.

Naisugod pa sa San Juan de Dios Hospital ng dalawang pedicab driver ang biktimang si Marvin Gutierrez, at residente ng Saint Peter St. Maricaban, Pasay subalit nasawi rin dakong alas-12:25 ng hatinggabi dahil sa mga tama ng bala sa dibdib at likod.

Patuloy na pinaghahanap naman ngayon ng pulisya ang nakatakas na salarin na umano’y isang barber sa kanilang lugar.

Sa imbestigasyon ng Pasay Police, nagroronda sa kanilang barangay ang biktima dakong alas-11:30 ng gabi nang mapan­sin ang isang away sa kanto ng St. Peter at Rosal Street.

Nang lapitan ng mga tanod ang kaguluhan, dito nakilala ni Gutierrez ang kanyang tiyuhin na kaaway ang kainumang suspek. 

Lumapit at tinangkang makialam ng biktima subalit siya ang pinagbalingan ng galit ng suspek at kaagad na binaril ng dalawang ulit sa dibdib at likod.

Show comments