Iranian diplomat inakyat-bahay

MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa milyong halaga ng ari-arian ang nalimas matapos looban ang bahay ng Iranian diplomat sa Makati City, kamakalawa ng hapon. Sa ulat na ipinarating ni National Capital Region Police Office spokesman Danilo Pecano, nadiskubre ang pagnanakaw sa bahay ni Iranian Ambassador Mohammadi Ali bandang alas-3 ng hapon. Nabatid na inakyat-bahay ang tahanan ni Ali sa may # 37 McKinley Road sa Forbes Park Village kung saan natangay ang hindi pa mabatid na halaga ng salapi, mga relo, cellular phones, mga susi at mamahaling sunglasses. Sinisilip ng pulisya ang anggulong inside job ang naganap na nakawan sa insidente.

Show comments