Trike driver bulagta sa tandem

MANILA, Philippines - Iniwan na lamang naka­bulagta at wala ng buhay ang isang tricycle driver matapos na pagbabarilin ng riding in tandem suspect habang ang una ay sakay ng kanyang tri­cycle, sa Lungsod Quezon ka­ma­kalawa.

Dead-on-the-spot ang biktima na si Ridel Calica, 32, residente ng Fatima St. Happyland Subdi­vision, Doña Carmen, Brgy. Commonwealth, sa lungsod, ma­tapos tambangan ng hindi nakikilalang mga salarin sakay ng motorsiklo.

Nangyari ang krimen ga­nap na alas-4:30 ng ma­daling-araw sa Villonco Extension cor. Commonwealth Avenue. Brgy. Commonwealth habang mina­maneho ni Calica ang kan­yang tricycle nang bigla na lang pagbabarilin ng mga suspek na armado ng kalibre 45 sa ulo at likod na na­ging da­hilan nang kanyang agarang pagkamatay.

Matapos ang naturang krimen, mabilis na tumakas ang mga suspek sa lugar, habang ini-report naman agad ng ilang saksi ang krimen sa Batasan Police Station, na ngayon ay nag­sa­sa­gawa na ng pagtugis sa mga suspek. (with Keneth Punzalan -trainee)

Show comments