MANILA, Philippines - Pinatawan ng Quezon City Regional Trial Court ng habambuhay na pagkabilanggo ang pitong kidnaper na dumukot sa isang Chinese noong taong 2003.
Bukod sa habambuhay na pagkakulong, ipinag-utos din ni QC RTC branch 222 Judge Edgar Santos laban kina John Galicia, Carlito Ugat, Eliseo Villarino, Leopoldo Sariego, Roger Chiva, Napoleon Portugal at Roger Demetelia na magbayad ng P200,000 bawat isa bilang danyos sa biktima.
Pinatawan din naman ng korte ang 10 hanggang 17 taon at apat na buwang pagkakakulong ang mga napatunayang accessory sa krimen na si Amelito Villones, drayber ng biktimang si Benilda Ho, isang Chinese national. Matatandaan noong Mayo 8, 2003 ay dinukot ng mga armadong lalaki si Ho habang sakay ng Mitsubishi L300 van na minamaneho ni Villones sa may Araneta Avenue, Quezon City.