Biktima ng salvage natagpuan

MANILA, Philippines - Isang bangkay ng  hindi pa kilalang lalaki ang natagpuan na may tatlong saksak sa katawan at nakahandusay sa kalsada sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw.

Inilarawan ang biktima na nasa edad 22 hanggang 25, naka-itim na t-shirt at shorts na maong habang may tattoo na ‘Tiktik Commando’ sa kanang pigi.

Sa inisyal na report ng Caloocan City Police,  dakong   ala-1:30 ng madaling-araw nang matagpuan ang biktima na nakahandusay sa madilim na bahagi ng Libis, Reparo St., ng lungsod na ito.

Tatlong saksak ng ice pick sa dibdib ang tinamo ng biktima habang patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya ukol dito. 

Show comments