Obrero hulog mula sa 3rd floor, dedo

MANILA, Philippines - Isang construction worker ang patay ma­tapos na madulas at ma­hulog mula sa ikatlong palapag ng ginagawa nilang gusali sa lungsod Quezon.

Dead-on-arrival sa ospital ang biktimang si Fernando Galapon, 23, tubong Tarlac, ng #73 Escopa-3, Project 4, sa lungsod.

Nangyari ang in­si­dente sa ginagawang bahay ng biktima sa B19, L19, Escopa-3, Proj. 4, Quezon City, ganap na alas-5 ng hapon.

Nabatid na abala ang biktima kasama ng kanyang dalawang kasamahan na sina Jonathan Alcantara at Angelito Agno sa kanilang trabaho sa ikatlong palapag nang biglang madulas ang una sa tinatapakan nitong kahoy­.

Dahil dito, nahulog mula sa itaas ang biktima paibaba sanhi upang magtamo ito ng matinding pinsala sa kanyang katawan.

Agad namang du­ma­ting ang ilang ka­anak ng biktima at ma­bilis na itinakbo ang biktima sa Qui­rino Memorial Medical Center (QMMC), subalit dineklarang dead-on-arrival ni Dr. Ryan Raniel A Bary.

Show comments