MANILA, Philippines - Bilang hakbang ng gobyerno na masugpo ang kriminalidad at mas marami ang magkaroon ng pagkakataon na maghain ng reklamo, naglabas na ng bagong kautusan ang Department of Justice (DOJ) na wala nang kokolektahing legal fees.
Sa Department Circular (DC) No. 25, pinawalang-saysay ni Justice Secretary Leila de Lima ang DC No. 42 at iba pang kaugnay na circulars na nagpapahintulot na mangolekta ng legal fees ang National Prosecution Services.
“All assessment clerks and collection officers under the National Prosecution Service shall forthwith cease and desist from assessing and collecting legal fees stated in the above-mentioned circulars,” saad ng kautusan ni De Lima.
Nabatid na ang DC No. 42 ay inisyu ni dating Justice Secretary Raul Gonzales.