Daga-daga gang umatake sa Mandaluyong City

MANILA, Philippines - Isang grupo ng Daga-daga Gang ang sumalakay sa isang pawnshop sa Mandaluyong City kama­kalawa ng umaga.

Base sa reklamo ni Domingo Papa, 76, negos­yante, natuklasan niya kamakalawa ng alas-8:30 ng umaga ay napasok ng mga kawatan ang kanyang V.M. Pawnshop na matatagpuan sa Martinez St., Brgy. Plainview, at natangay ang mahigit sa P.3 mil­yong halaga ng mga alahas, cellphone at laptop.

Sinabi ni Papa na dumaan ang mga suspect sa imburnal at humukay sa ilalim ng kalsada patungo sa kanyang pawnshop.

Sa pagsisiyasat ni SPO1 Emmanuel Ermino ng Criminal Investigation Unit (CIU), nabatid na ma­tagumpay na nabuksan ng mga suspect ang vault ng pawnshop at  tinangay ang lahat ng kanilang mapakikinabangan.

Nakita sa crime scene ang mga iniwang damit ng mga suspect ganun din ang ginamit na bareta sa paghuhukay ng lupa at isang jack.

Show comments