MANILA, Philippines - Habambuhay na pagkabilanggo ang ipinataw ng Quezon City Regional Trial Court laban sa isang Tsino na napatunayang nagkasala ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Law noong 2005.
Sa desisyon ni Judge Fernando Sagun Jr. ng QCRTC Branch 78 , hinatulan ang akusadong si Zhong Mei Chen matapos mapatunayang nasamsaman ng 4,000 gramo ng shabu sa isinagawang pagsalakay ng mga awtoridad sa kanyang bahay sa Brgy. Bungad, Quezon City.
Si Chen ay naaresto ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drugs Enforcement Agency at QC Police District noong 2005.