MANILA, Philippines - Pormal nang sinimulan ni Manila 1st District Councilor Niño dela Cruz, kumatawan kay Manila Mayor Alfredo Lim ang 3rd Manila Basketball League para sa mga elementary at high school students na ginanap sa San Andres Complex sa San Andres Bukid, Maynila.
Ayon kay Manila Sports Council (MASCO) Chairman Paul Edward Almario, sa tulong ni Lim, layon ng liga na maipakita ng mga bata ang kanilang galing sa pagbabasketball. Ito rin ang paraan upang maiiwas ang mga ito sa anumang uri ng bisyo tulad ng alak,droga at paglalaro sa internet.
Nabatid na ilang mga coach mula sa iba’t ibang private schools ang manonood at susuri sa mga batang may galing sa basketball upang maging manlalaro ng kanilang paaralan.
Ang MBL ay summer sports program para sa mga private at public elementary at high schools sa National Capital Region.
Ang Group A ay binubuo ng San Beda A, St. Stephen, Holy Spirit, SASES, Ateneo White, Aurora Quezon Elementary School at Lourdes School of Mandaluyong habang ang group B naman ay kinabibilangan ng San Beda B, Colegio de San Agustin, UST, Magat Salamat Elementary School, Ateneo Blue at Ignacio Villamor High School. Matatapos ang liga sa susunod na buwan.