MANILA, Philippines - Pormal nang nagpirmahan ng Memorandum of Agreement (MOA) sina Manila Mayor Alfredo S. Lim at ABS-CBN Foundation Managing Director Gina Lopez kung saan ang nasabing non-government organization ang magpapalakad at mamamahala ng Paco Market sa loob ng 10 taon.
Nabatid na ang century-old Paco Market, na isa sa mga maituturing na cultural landmark, ay pinanggagalingan ngayon ng polusyon ng Estero de Paco.
Subalit sa plano ng ABS-CBN Foundation, babaguhin nito ang itsura at lilinisin ang palengke kung saan magiging pangunahing destinasyon na rin ng mga turista.
Ang rehabilitasyon ng Paco Market ay bahagi ng proyektong Kapit Bisig para sa Ilog Pasig na layong gawing moderno ang palengke, eco-friendly at pagbuhay sa cultural landmark.
Kabilang sa mga isasagawang hakbangin ay ang pagbibigay ng trainings sa mga stallholders at seminars sa solid waste management, value formation, customer service orientation at entrepreneurship.
Kabilang sa mga sumaksi sa paglalagda sina Secretary to the Mayor, Atty. Rafaelito M. Garayblas, Atty. Renato dela Cruz, City Legal Officer, Ms. Clarissa Ocampo, at Maja Olivares, Atty. Renato dela Cruz, City Legal Officer.