MANILA, Philippines - Aabot sa P1.5 milyong halaga ng ari-arian ang naabo makaraang masunog ang residential-commercial area sa Ermita, Manila kahapon ng umaga. Sa report, naganap ang sunog sa panulukan ng Padre Faura at M.H. del Pilar Street na nagsimula bandang alas-8 ng umaga na umabot sa ikalimang alarma. Wala namang napaulat na nasaktan sa naturang sunog kahit pa marami ang nagpabalik-balik na mga residente upang isalba pa ang kanilang mga gamit.
Sinasabing sa bahay ni Evelyn Villanueva nagsimula ang apoy at kumalat sa kalapit na bahay na pag-aari ni Salvador Lopez. Nagdulot din ng pagsisikip sa daloy ng trapiko ang nasabing sunog.