MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang hinamon na iputok ang baril, kaya tinuluyan ang 50-anyos na pedicab driver ng kanyang kabarong driver matapos mabaril sa inuman sa Balut, Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.
Kinilala ng pulisya ang bikimang si Luis Viador ng # 2365 Buendia Street sa nasabing lugar.
Tumakas naman agad ang suspect na si Mario “Boy Bisaya” Amaba, 40, pedicab driver, ng Moderno Street sa Balut, Tondo, Maynila.
Sa ulat ni PO3 Bernardo Cayabyab ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-2:35 ng madaling araw nang napatay ang biktima sa tabi ng Babes & Boy BBQ & Seafood Grill sa panulukan ng Buendia at Honorario Lopez Streets.
Habang nag-iinuman ang magkaibigang drayber at ang dalawang drayber na sina Armando Gonzales at Kenneth Asebais ay pabiro pang inudyukan ng biktima ang suspect na huwag na lamang ipagyabang kung hindi naman kayang iputok.
Kaya na-challenge umano ang suspect at kinargahan ng bala at pabiro rin umanong itinututok sa mga kainuman subalit biglang pumutok at sa biktima tumama ang bala.