P16M ari-arian naabo

MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa P16 milyong halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy makaraang masunog ang pabrika ng kemikal at plastic sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi.

Nabatid kay Fire Supt. Ben Jose Ilagan ng Bureau of Fire Protection ng Valenzuela City, dakong alas-7:45 ng gabi nang magsimula kumalat ang apoy sa Tyson Industrial Corporation sa M. Gregorio Street, Barangay Canumay West ng nasabing lungsod.

Lumalabas sa  imbestigasyon, nagsimula ang apoy sa ikatlong bodega na pinag-iimbakan ng mga chemical at plastic. Mabilis na  kumalat ang apoy  sa mga katabing warehouse kung saan nahirapan  ang mga bumbero na apulahin at umabot sa 5th alarm ang sunog.

Bandang alas-11:15 ng gabi ay idineklarang fireout ang nasabing insidente habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments