2 sinalvage sa Navotas

MANILA, Philippines - Hinihinalang mga biktima ng “summary execution” ang dalawang hindi pa nakikilalang lalaki na natagpuang mga bangkay sa gilid ng kalsada sa Navotas City kahapon ng umaga.

Isa sa mga biktima ang inilarawan ng pulisya na nasa edad 30-35, nakasuot ng itim na t-shirt, stripe short pants, may tattoo sa kaliwang braso na ‘tag-life’ at sa likod na ‘Pol Salgada, Evelyn Darwin Sawaldi’ at isang rosaryo sa leeg.

Habang ang isa pang biktima ay nakasuot ng kulay green na t-shirt at puting short pants, may tattoo sa likod na ‘Demonyo’ at kaliwang braso na may tatak na ‘alvin 26’, may taas na 5’3”.  Kapwa tadtad ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktima.

Sa inisyal na ulat ng Navotas City Police, dakong alas-6 ng umaga nang matagpuan ng taumbayan ang dalawang bangkay na nakabulagta sa gilid ng kalsada sa may Road 10 Sitio Puting Bato, ng naturang lungsod.

Nagsasagawa ng masu­sing imbestigasyon ang pulisya sa agarang pagkakakilanlan sa mga nasawi kabilang ang pag-trace kung may criminal record ang mga ito sanhi upang likidahin.

Show comments