Lalaki patay sa vendor

MANILA, Philippines - Patay ang isang 44 anyos na lalaki makaraang tarakan sa dibdib ng isang vendor matapos ang mainitang pagtatalo sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Kinilala ang biktima na si Arnel Camarines, ng Maya St., San Francisco del Monte sa lungsod.

Natukoy naman ang suspect sa alyas Zaldy, 38, ng Insu­rance St., Project 8 na tinutugis na ngayon ng awtoridad.

Sa ulat ni PO3 Rommel Mayo, nangyari ang insidente sa may Dangay St., corner Roosevelt St., ganap na alas 12:30 ng madaling-araw.

Ayon sa testigong si Melanio Morales, tricycle driver, nakita pa umano niya ang biktima at suspect na naglalakad sa nasabing lugar habang nagtatalo na nauwi sa suntukan, hanggang sa magbunot ng patalim ang suspect at undayan ng saksak sa dibdib ang biktima.

Matapos ang pananaksak ay mabilis na tumakas ang suspect habang ang biktima naman ay naisugod pa sa Quezon City General Hospital pero idineklara dead on arrival.

Show comments