Kelot itinumba sa Baseco compound

MANILA, Philippines - Walong tama ng bala ng baril ang tumapos sa buhay ng isang lalaki matapos na pagbabarilin kahapon ng umaga sa Aplaya, Baseco Compound, Port Area, Maynila.

Hindi na makilala dahil sa pagkawasak ng mukha ang biktimang si Omar Usman, tubong Datu Piang, Ma­guindanao at nakatira sa Block 1, Tondo, Maynila. Idi­neklara itong dead-on-the-spot ng pulisya.

Naganap ang insidente kahapon ng umaga nang lapitan ng suspect at pagbabarilin ang biktima habang kausap nito ang isang tricycle driver.

Nabatid na kararating pa lamang sa lugar ng biktima mula sa Maguindanao kamakalawa ng madaling-araw.

Hinala ng pulisya na “rido” o clan war ang dahilan ng pagpaslang sa biktima. Posibleng may nakakaaway ang biktima sa kanilang probinsiya.

Gayunman nag-iimbestiga pa rin ang pulisya para alamin ang motibo ng krimen.

Show comments