Kelot binoga habang tulog

MANILA, Philippines - Hindi na nasilayan pa ng isang  35-anyos na helper ang liwanag nang pasukin ng isang truck driver ang kaniyang bahay at pagbabarilin, sa  Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Kirby Gimena, tubong Bulacan at residente ng no. 100 Gate 19, Area H, Parola Compound, Tondo.

Pinaghahanap naman ang suspect na nakilala lamang sa alyas na “Sakuragi”, nasa 35-40 anyos at empleyado ng Correa Trucking.

Batay sa ulat ni SPO1 Ramir Dimagiba, ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas  9:00 ng gabi, nang pasukin ang kuwarto ni Gimena na nasa ikalawang palapag ng bahay.

Wala pang nakuhang impormasyon sa motibo ng pamamaslang.

Narekober ng imbestiga­dor ang tatlong basyo ng bala mula sa kalibre .45 baril sa pinangyarihan ng insidente.  

Show comments