Carnappers sumalakay uli sa QC

MANILA, Philippines - Isa na namang sports utility vehicle (SUV) ang tinangay ng mga karnaper habang nakaparada sa isang fastfood chain sa lungsod Quezon kahapon ng tanghali.

Ayon sa pulisya, ang natangay na sasakyan ay ang Mitsubishi Pajero model 2001 (WRC-309) na pag-aari ng isang Dennis Bernal, ng West Crame sa lungsod.

Nangyari ang pagta­ngay matapos na iparada ito ni Bernal para kumain sa harap ng isang fastfood chain sa Quezon Avenue, corner Westpoint Brgy. West Triangle ganap na alas-12:30 ng tanghali.

Matapos kumain at balikan ni Bernal ang sasak­yan ay wala na ito sa na­sabing lugar.

Sa ngayon, inalarma na ng anti-carnapping unit sa lahat ng istasyon ng pulisya ang nasabing sasakyan.

Show comments