Bahay ng pulis inakyat-bahay

MANILA, Philippines - Aabot sa malaking halaga ng ari-arian ang nalimas matapos pasukin at pagnakawan ng Akyat-Bahay Gang ang tahanan ng isang pulis-Quezon City sa Barangay Rosario, Pasig City kahapon ng madaling-araw.

Personal na dumulog sa Station Investigation and Detection Management Branch ng Pasig City PNP ang biktimang si PO2 Marlon Dela Vega, 32, may-asawa, nakatalaga sa Tactical Operation Center ng Quezon City Police District at naninirahan sa Unit J-235 East Residences Ciudad Grande II.

Ayon kay P/Chief Insp. Glenn Magsino, hepe ng SIDMB, lumilitaw na sinamantala ng grupo ng kawatan na naka-duty si PO2 Dela Vega kaya napasok ang kanyang bahay.

Nabatid lamang ng biktima ang nakawan matapos na tawagan ng security guard na si Crisanto Artificio na nakapansing bukas ang pintuan ng kanyang yunit habang nag-iinspeksiyon ito.

Natangay sa biktima ang Apple laptop (P50,000) at mga importanteng kagamitan.

Show comments