8 holdaper arestado

MANILA, Philippines - Arestado ng mga tauhan ng Pasig City police ang walong mi­yembro ng isang kilabot na robbery hold-up gang na sinasabing responsable sa sunod-sunod na nakawan sa Eastern part ng Metro Manila.

Ang mga nadakip na sinasabing kabilang sa ‘Fayo Robbery Hold-up Gang’ ay kinilalang sina Michael Dada­ yan, 32; Mario Quinto, 48; Mark Pascua, 21; Jimmy Cayetano, 41; Joel Villalon, 28; Wilson Mateo, 27; Jun Salidada, 34 at Rainer Daracan, 37.

Nakatakas naman ang sinasabing lider ng grupo na isang alyas Rodel Fayo. Ayon sa ulat, ang grupo ng mga suspek ang siya umanong responsable sa panghoholdap sa Generic Pharmacy Drug Store at Laundry Shop, Mini-store at iba pang establisimento par­tikular sa Metro Manila­.

Nabawi ng pulisya sa mga suspek ang tatlong baril na kalibre 38 at mga bala at dalawang motorsiklo na sinasabing ginagamit sa kanilang operasyon.

Show comments