De Lima, NBI-OIC, 'no show' sa Gatdula hearing

MANILA, Philippines - Hindi humarap sina Justice Secretary Leila de Lima, NBI-OIC Nonnatous Ceasar Roxas at ambush victim na si Deputy Director Reynaldo Esmeralda sa pagdinig ng Manila RTC Branch 26 sa isyu ng pagsibak kay dating NBI Di­rector Magtanggol Gatdula at sa inihain nitong writ of amparo at motion for temporary protection order.

Ganap na alas-8:30 kahapon ng umaga nang isagawa ang pagdinig para sa naturang kaso.

Nais ni Gatdula na maglabas ng kautusan ang hukuman na mapigilan ang mga respondent na gumawa ng hakbang para madiin o ma-frame up siya sa sinasabing ambush kay Esme­ralda. Magugunitang agad na isinangkot si Gatdula sa pag-ambush kay Esme­ralda kamakailan.

Bukod dito, nais din ni Gatdula na utusan ng korte na makakuha sila ng kop­ya ng medical at forensic report sa insidente upang masuri ang sasakyang nasangkot sa ambush.

Show comments