22 nasagip sa illegal recruitment

MANILA, Philippines - Umaabot sa 22-katao ang nasagip ng pinagsanib na puwersa ng National Bureau of Investigation at Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) laban sa operasyon ng illegal recruitment sa Villanueva Village sa Parañaque City.

Karamihan sa mga biktima ay menor-de-edad na babae na pinangakuang makapagtrabaho bilang kasambahay pero hindi sinabi kung saang bansa magtratrabaho.

Nabatid na nakatakdang dalhin sa Cebu ang mga biktima bago tumulak pa-HongKong saka Dubai at Syria ngunit nasilat ng mga awtoridad.

Nahaharap sa kasong  large scale illegal recruitment ang mga suspek na pansamantalang hindi muna pinangalanan.

Show comments