MANILA, Philippines - Tatlong bugaw ang inaresto ng mga tauhan ng Manila Department of Social Welfare matapos ang entrapment operation sa magkakahiwalay na lugar sa Maynila.
Kabilang sa suspek na kinasuhan ay sina Aaron Espiritu, 28; Bonifacio Reyes, 24; at Lea del Rosario, 38.
Kasabay nito, sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9208 (Human Trafficking) ang mga suspek kung saan walang inirekomendang piyansa.
Ayon sa ulat ni MDSW chief Jay dela Fuente, si Espiritu ay dinakip sa entrapment sa Golden Bird Motel sa panulukan ng Yuseco St. at Rizal Ave. noong Lunes (Peb 27) kung saan nagpanggap na mga customers sina Angelito Bacani at Ronald Guingon.
Nasagip din ang dalawa pang menor-de-edad sa tulong ni Chairman Elvie Reyes ng Barangay 224, Zone 21 District 2 noong Pebrero 19.
Maging sina Reyes at del Rosario ay naaresto ng mga awtoridad matapos magbigay ng babae sa nagpanggap na customer.
Agad namang ibinalik sa kanilang pamilya ang mga biktima.