Salvage victim sa Maynila

MANILA, Philippines - Markado ng sakal ang leeg nang matagpuan ang bangkay ng isang lalaki sa Malate, Maynila, kamakalawa ng mada­ling-araw. Sa ulat ni PO3 Rodel Benitez ng Manila Police District-Homicide Section, dakong  alas-4:30 ng madaling-araw ng nakita ang bangkay sa panulukan ng Donata at P. Ocampo Sts. Malate na inilarawan sa edad na  30-40,  may taas na 5’7, nakasuot  ng puting sando, kulay green na panty at tadtad ng tattoo ang katawan. Dahil sa kahalintulad na mga kaso ng salvage, pinaniniwalaang pinatay din ito sa ibang lugar kung saan binigti ito at saka itinapon sa nabanggit na lugar. Dinala ang bangkay ng biktima sa St. Yvan Funeral para sa awtop­siya at safekeeping.

Show comments