Ama timbog sa panghahalay sa anak

MANILA, Philippines - Arestado ang isang ama nang molestiyahin nito ang kanyang 12-anyos na anak na dalagita kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Kasalukuyang nakapiit sa detention cell ng Caloocan City Police ang suspek na si Poperio Nolasco, 48, street sweeper, ng Interior 6-A Mabine St., Barangay 33 ng nasabing lungsod.

Sinamahan naman ng mga barangay official at mga tauhan ng Department and Social Welfare Development (DSWD) sa himpilan ng pulisya ang biktimang itinago sa pangalang Dorotea upang pormal na magsampa ng kaso laban sa suspek.

Base sa imbestigasyon ni P02 Annabelle Gelle, ng Women’s­ and Children Desk Protection, Caloocan City Police­, dakong alas-9:00 ng gabi naganap ang insidente sa loob ng bahay ng mag-amang Nolasco sa nabanggit na lugar.

Kasalukuyang natutulog ang biktima sa loob ng kanilang bahay nang maramdaman nitong minomolestiya siya ng ama. Tumigil lamang ang suspek nang makita ito ng ate ng biktima.

Ayon pa sa biktima, matagal na ang ginagawang ka­­h­a­­ layan­ ng kanyang ama sa tuwing wala ang kanyang ina at nang magsumbong naman siya sa kanyang nanay at lola ay wala naman umanong ginawang aksyon ang mga ito laban dito.

Sa tulong ng mga barangay opisyal at mga tauhan ng DSWD na sumama sa himpilan ng pulisya sa biktima ay agad na inaresto ng mga pulis ang suspek.

Show comments