QC jail balik na sa normal

MANILA, Philippines - Matapos ang nangyaring kaguluhan sa loob ng Quezon City Jail na dulot ng noise barrage ng mga miyembro ng Sigue-Sigue Sputnik, balik na sa normal na kalakaran ang buong kagawaran­ nito, ga­yundin ang pagdalaw ng ilang kaanak sa mga preso sa maayos na pamamaraan.

Ito ang sinabi ni Jail warden Supt. Joseph Vela, matapos anya ang naging pakikipagpulong niya sa mga grupong Sigue-Sigue Sputnik, Bahala ng gang at Commando, para sa lubos na kaayusan at katiwasayan sa buong piitan.

Tiwala rin ang warden na malaki ang maitutulong, bukod sa pakikipag-usap sa mga ito ang paglipat niya sa 20 maimpluwensyang lider nito sa Camp Bagong Diwa sa Taguig.

Magiging madalas din anya ang gagawin niyang pa­­kikipag-pulong sa mga bagong halal na lider upang mailahad ang ninanais niyang pagbabago sa hanay ng mga nabanggit na preso. Partikular anya dito ang pagsunod sa mga batas na pinaiiral sa loob ng kulungan.

Samantala, para naman sa pondong nakuha sa grupo ng Sigue-Sigue Sputnik na aabot sa P135,000 tiniyak ni Vela na maibabalik ito matapos ang accounting na gagawin ng Re­gional office ng BJMP. Magugunitang, umusbong ang kagu­luhan sa loob ng city jail makaraan na magwala ang grupong Sigue-Sigue Sputnik matapos na kunin ni Vela ang kanilang lider ma­ging ang pondo nito.

Show comments