17-anyos, nagbigti sa loob ng container van

MANILA, Philippines - Isang 17-anyos na bi­natilyo ang nagbigti sa loob ng container van sa Tondo, Maynila kamaka­lawa. Kinilala ang nasawi na si Danilo Aballa, isang delivery boy at nakatira sa loob ng container van sa Pier 2 North Harbor, Tondo, Maynila. Sa report ni Det. Mario Asilo ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong alas-10:00 ng hapon nang natagpuang patay ang biktima sa loob ng nasabing­ container van.

Ayon kay Wilfredo Dela Cruz, 17, kaibigan ng biktima, huli nitong nakitang buhay si Aballa dakong ala-1:00 ng hapon na umiiyak subalit hindi naman nito tinanong kung ano ang dahilan ng pag-iyak. Ga­yunman, dakong alas-2:00 ng hapon nang puntahan ni Dela Cruz ang nasawi para pumasok sa trabaho suba­lit bumulaga sa kanya ang kaibigan na nakatali ang leeg gamit ang isang lubid.

Tumanggi naman ang mga kamag-anak ng biktima na paimbestigahan ang pagkamatay nito dahil naniniwala silang walang naganap na foul play. Ang bangkay ng biktima ay kasaluku­yang nakalagak sa Cruz Fune­ral Homes para sa safe­keeping.

Show comments