Mister pinabulagta

MANILA, Philippines - Napaslang ang isang 43-anyos na mister na sinasabing nakaupo lamang sa harap ng kanilang bahay matapos ratratin ng dalawang hindi kilalang lalaki kahapon ng umaga sa Barangay Maharlika Village saTaguig City.

Anim na bala ng baril ang tumapos sa buhay ni Kaliman Dagalangit ng #22 Cagayan De Oro St., Quiapo 2, Barangay Mahar­lika Village.

Samantala, sugatan naman ang dalawang bata na tinamaan ng ligaw na bala ng baril.

Sa imbestigasyon ni P02 Christopher Flores, naganap ang pamamaril dakong alas-10 ng umaga sa labas ng bahay ng biktimang nakaupo.

Sunud-sunod na putok ng baril ang umalingaw­ngaw kaya napalabas ng bahay ang misis ng biktima.

Bumungad sa misis ang duguang katawan ng biktima habang sugatan naman ang dalawang bata na 10-anyos at 2-anyos.

Show comments