SUV, van kinarnap sa QC

MANILA, Philippines - Isang sports utility ve­hicle at isang van ang tina­ngay sa magkahiwalay na lugar sa lungsod Quezon kahapon.

Ayon sa pulisya ang da­­lawang sasakyang tina­ngay ay ang isang kulay silver na Toyota Fortuner (LIZ-18) na pag-aari ni Jose Saysay, 64, at red Toyota closed-van (GDC-727) na nakapangalan sa isang Boy Gamboa.

Sa pahayag ni Saysay sa pulisya, nangyari ang pagtangay sa kanyang sa­­sakyan habang nakaparada ito sa harap ng Sienna College na matatagpuan sa Del Monte Avenue in Brgy. Sienna, ganap na alas-6:35 nitong Huwebes ng umaga.

Inihatid umano ni Saysay ang kanyang mga anak sa nasabing paaralan at iniwan nakabukas ang pintuan at umaandar ang ma­kina. Pagkabalik niya, ay wala na ang kanyang sasakyan sa nasabing lugar.

Ganap na alas-8 naman ng umaga nang ma­diskubre ni Gamboa na nawawala na ang kanyang sasakyan na nakaparada naman sa harap ng kanyang bahay sa Cruz St., Brgy. Kaligayahan.

Sinabi ni Gamboa na bago niya iwan ang kanyang sasakyan noong gabi ng Miyerkules ay naka-lock pa ito, kung kaya nagtataka rin siya kung pa­paano natangay.

Sa kasalukuyan, patuloy ang pagsisiyasat ng ANCAR sa nasabing insi­dente kung saan naka­alarma na rin ito sa lahat ng kapulisan sa Metro Manila.  

Show comments